Ang Dilaw na Rosas
"The Yellow Rose"
Sa isang napakalawak na bukirin ng Hacienda Paraiso, may napadaang manlalakbay na kung iyong tingnan ay parang hindi siya tagaroon, ng sa kanyang paglalakad napadpad siya sa isang pangpang na kung tawagin ng mga tagaroon ay "Mahiwaga" sapagkat puno ito ng mga magagandang bulaklak na doon mo lamang masisilayan. Nang siya'y dumungaw sa bandang bahagi ng pangpang may napansin siyang isang dilaw na rosas na kung saan kakaiba sa lahat ng nandoon, napalingon siya sa itaas at biglang nasabi "Panginoon nais kung pitasin ang mahiwagang rosas na aking nakita sa mahiwagang pangpang na ito"(wika ng manlalakbay),at biglang may sumigaw sa kanyang likuran"Sir! bakit po kayo nandyan ipinagbabawal po ang pagpunta diyan sapagkat marami ng nadisgrasya sa pangpang na iyan.(sabi ng batang may edad walo).Bata nais ko lamang pitasin ang magandang dilaw na rosas na nakabighani ng aking paningin maaari ko bang pitasin ito?(wika ng manlalakbay na para bang nagmamakaawa),Pwede naman po, pero paano?(sabi ng bata). Bata mapipitas ko yan kung tutulungan mo ko, may lubid akong dala ikaw ang itatali ko dito sa lubid na ito at dahan-dahan mong pitasin ang bulalak, at ako ang hahawak at huwag kang matakot hihigpitan ko ang paghawak upang ikaw ay hindi mahulog, kahit magkano ibibigay ko sayo makuha ko lamang ang ninanais ko.(wika ng isang manlalakbay). Ok po pero sa isang kundisyon!(wika ng bata),Ano namanng kundisyon iyan?(wika ng manlalakbay).Papuntahin ko muna ang tatay ko upang sa ganoon siya ang hahawak sa lubid na pagtatalian ko.(wika ng bata).Pagkalipas ng ilang minuto bumalik ang bata at daladala ang kanyang tatay. At gayon nga napitas ng bata ang mahiwagang dilaw na rosas sa pangpang. Maraming salamat sa inyo sa wakas nakuha ko ang ninanais ko,kaya mo pala pinapunta ang tatay mo eh!wala ka sigurong tiwala sa katulad kong estranghero."wika ng manlalakbay".Eh! ganoon po talaga kahit sinong bata ang uutusan niyo po sa ganoon ka panganib na sitwasyon talagang nangangailangan ng tulong sa kanyang ama, ako po malaki ang tiwala ko sa itay ko dahil alam kong hindi niya ako ipapahamak."wika ng bata". At doon nagtatapos ang maikling kwento.
Bottom line;
Gaya ng bata may matibay siyang tiwala sa kanyang ama, kahit mapanganib susuungin niya dahil matibay ang kanyang pananalig sa kanyang ama, na hindi siya kailanman ipapahamak. Para sa akin sa maikling kuwento na ito ang bata ay may may matibay na tiwala sa kanyang ama na kailanma'y hindi siya ipapahamak nito, sa linyang ito isinasaad na kahit ano pa mang mga pagsubok o unos na darating sa buhay mo tawagin mo lang Siya, Siya ay nariyan sa iyong puso matagal ng kumakatok pagbuksan mo lang tiyak ikaw ay kanyang bibiyayaan ng magandang buhay, basta manalig ka lang sa Kanya at magtiwala ng walang pag-aalinlangan. Tungkol naman sa manlalakbay para sa akin siya ang pagsubok na aakit sa iyong mga kahinaan na kailangan mong paglabanan, kung ang kahinaan mo ang susi ng iyong tagumpay gawin mo ang ninanais mo manalig at magtiwala ka lang sa Kanya tiyak hindi ka niya pababayaan ng ating Panginoong Hesu Kristo!.
Ang salita ng Diyos!
Magpasalamat tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo. At sa atin ngang pakikipag-isang ito, hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo’y kanyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!
No comments:
Post a Comment